GMA Logo Jessica Soho
What's Hot

Jessica Soho shares pieces of advice for aspiring journalists

By Dianne Mariano
Published September 16, 2022 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Soho


“Stand your ground kasi mayroon tayong mahalagang misyon sa buhay,” payo ng The Philippines' Most Awarded Journalist na si Jessica Soho.

Kilala si Jessica Soho bilang isa sa mga pinakatanyag at batikang mamamahayag sa bansa dahil na rin sa mga tumatak niyang buwis-buhay na coverage sa loob at labas ng Pilipinas.

Sa isang panayam kay Jessica, nagbigay siya ng ilang payo para sa mga aspiring journalist na nais mapabilang sa media lalo na sa panahon ngayon.

“Una sa lahat, mag-isip kayong mabuti because these are very challenging and difficult times. Hindi madaling maghanap o maghangad ng katotohanan. Masakit na proseso na ito lalo na sa panahon ng bashing, trolling, and so much hatred.

“Kailangan tanggapin niyo muna na mahirap itong papasukin niyo. Pero sa totoo lang, wala rin naman kasing madali sa buhay, lahat mahirap. Mahirap nga walang trabaho, e. So kapag may trabaho, mas mahirap pa 'yun,” pagbabahagi niya.

Ayon pa sa tinuturing na The Philippines' Most Awarded Journalist, importanteng maging tapat sa katotohanan ang mga mamamahayag.

Aniya, “Hindi madaling maghanap ng katotohanan and journalism is a far bigger cause than anyone of us so hindi siya madali. Keep on improving your skills, husayan, galingan, and don't settle for mediocre work.

“I didn't really set out into this kind of job thinking na 'I want to win awards, I want to make money, I want to be known.' Hindi e, susunod lang 'yun. Kailangan gawin mo muna 'yung trabaho mo. Be in it for the right reasons.”

Isa rin daw sa mga itinuturo ni Jessica sa mga reporter ay manindigan at maging matapang.

“Ganon namin sila tinrain na 'Kailangan stand you ground ah. Hindi ka magpapahuli sa balita. Kapag may kaharap kang powerful person, dapat matanong mo 'yung tough questions.' So, stand your ground kasi mayroon tayong mahalagang misyon sa buhay na mahanap 'yung katotohanan,” saad niya.

SAMANTALA, ALAMIN ANG MGA AWARD-WINNING SHOWS NG GMA PUBLIC AFFAIRS SA GALLERY NA ITO.