
Exciting ang naging kitchen battle sa Sarap, 'Di Ba? dahil nagkatapat sina Jessica Villarubin at John Rex sa Kitchen Bida.
Napanood sa Sarap, 'Di Ba? ang bulalo bilang kanilang bida ingredient. Sa tulong ng eatery owners na sina Analiza Atamosa from Makati City at Arnold Vinuya from Quezon City, nagpakita sila ng husay sa paggawa ng Bulalong Kare-Kare at Sizzling Bulalo.
Ang mga judge para sa episode na ito ay ang award-winning chef na si Chef Ivory Yat-Vaksman at food vlogger na si Jeff Torello aka Pinoy Food Boy.
Abangan ang susunod na Kitchen Bida at pagkakataong manalo sa Sarap Manalo Promo ng Sarap 'Di Ba? sa Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.