GMA Logo jessica villarubin
Photo: jessicavillarubin /IG
What's on TV

Jessica Villarubin, binigyan ng bagong buhay ang 'Huwag Kang Susuko'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 26, 2022 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

jessica villarubin


Sa 'Prima Donnas' Season 2, maririnig ang tinig ni 'The Clash' Season 3 champion Jessica Villarubin sa theme song nitong 'Huwag Kang Susuko,' na orihinal na inawit ni Golden Cañedo.

Aminado si Jessica Villarubin na challenging para sa kanya na bigyan ng bagong bersyon ang kantang "Huwag Kang Susuko," ang official soundtrack ng ikalawang season ng top-rated afternoon drama ng GMA na Prima Donnas.

Ang orihinal na kumanta ng "Huwag Kang Susuko," na ginamit sa unang season ng Prima Donnas, ay si Golden Cañedo.

"Actually, it's quite challenging talaga kasi this is a new version," saad ni Jessica sa panayam ng GMANetwork.com.

"So, pinag-isipan, pinagplanuhan talaga namin kung paano namin mas pagagandahin 'yung song. And, I think we did our best na bigyan ng bagong flavor ang napakagandang theme song ng Prima Donnas."

Dagdag ni Jessica, may kalakip na pressure sa kanya na bigyan ng bagong bersyon ang Huwag Kang Susuko dahil tumatak ito sa mga manonood.

Pagpapatuloy niya, "To be honest, siyempre, may pressure talaga. I mean, lahat naman ng ginagawa ko, may pressure talaga akong napi-feel. But I think it's a good thing para ma-motivate pa ako na gawin 'yung best ko, and I'm just so blessed na ipinagkatiwala po sa akin to do a version ng theme song ng Prima Donnas. I'm so thankful and grateful."

Pakinggan ang bersyon ni Jessica ng 'Huwag Kang Susuko":

Mapapanood ang ikalawang season ng Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Kilalanin ang mga bagong karakter ng Prima Donnas Season 2 dito: