
Sagot ni Jessica Villarubin ang kilig, kanta at kulitan sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ngayong Linggo, June 13.
Mapupuno ng kilig ang TBATS studio sa pagsalang ni Jessica sa 'Pusuan Na 'Yan' dating game! Sino kaya kina Prince Clemente, Kimson Tan at Kaloy Tingcungco ang mapipiling Mr. Right ng Power Diva?
Bago magpakilig, makikipagkulitan din si Jessica sa fun-tastic duo sa 'May Pa-PressCon' segment. Ready na kaya ang Power Diva na sagutin ang mga controversial questions nina Boobay at Tekla?
Sasalang din sa biritan ang The Clash season 3 grand champion laban sa kanyang runner-up na si Jennie Gabriel.
Hindi rin magpapahuli sa kantahan ang The Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Ian Red, at Eat Bulaga 'BakClash' winner na si Jerricho “Echo” Calingal.
Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, June 13, sa bago nitong time slot.
Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: