GMA Logo Jessica Villarubin
What's on TV

Jessica Villarubin, inaming na-bully noon; hindi ikinahiyang nagparetoke

By Jimboy Napoles
Published February 14, 2024 10:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Villarubin


Proud na inamin ni Jessica Villarubin na nagparetoke siya ng ilong.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Martes, February 13, sumalang sa interview ang Kapuso singer na si Jessica Villarubin kasama ang kapwa niya hurado sa Tanghalan ng Kampeon na si Carl Gueverra.

Bukod sa kanilang bagong programa, tinanong ni Boy Abunda si Jessica kung hindi ba ito natakot para sa kanyang boses nang sumailalim siya sa surgical enhancement.

Kuwento ni Jessica, “Actually, before po ginawa 'yung surgery Tito Boy, tinanong ko po kay Dra. Vicki Belo kung ano 'yung mangyayari and they made sure naman po na hindi po maapektuhan 'yung throat or anything. Siguro konti sa breathing lang dito sa may nose.”

Hindi rin umano ikinahiya ni Jessica ang pagpapagawa ng ilong dahil matagal niya na rin itong gustong gawin.

Aniya, “Ako, Tito Boy, in-open ko siya kasi mahahalata e, na nagpa-ayos ako. So, para hindi na i-question ng mga tao in-open ko na na gusto ko at ito 'yung gusto kong gawin talaga before pa, because I was bullied before growing up.”

Paglalahad pa ni Jessica, bata pa lamang ay lagi na umano siyang nabu-bully at nasasabihan ng masasakit na salita kahit sa mga sinasalihan niyang singing contests noon.

“Actually nung ano pa ako high school [student] gusto ko na e. Gusto ko nang ibahin kasi nung bata pa ako palagi po akong sinasabahan na pangit. Maganda lang daw 'yung boses ko. Even sa mga contest na sinasalihan ko na wala akong star quality, ever. Like hindi ako magiging [sikat] mga ganun po,” ani Jessica.

Kaya nang manalo siya bilang The Clash Season 3 champion, hindi na pinalagpas ni Jessica na i-improve ang kanyang sarili.

Aniya, “Kaya after ng The Clash e, nabigyan ako ng opportunity na ito 'yung gusto ko, gusto ko na 'tong gawin, so I did it.”

Paglilinaw naman ni Jessica, hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob sa mga kumutsa sa kanya noon.

“Never akong nagsumbat sa mga taong gumanon sa'kin. I just work hard. I just believe in God. Ginawa ko lang 'yung tama.

“Minsan dyina-judge tayo ng mga tao e, na hindi naman talaga tayo kilala. So, 'yung sa akin talaga 'yung Diyos lang talaga ang nakapagpatibay ng loob ko,” anang Kapuso singer.

RELATED GALLERY: Celebrities, social media stars who opened up about plastic surgery stories