
Kasabay nang muling pagpapakita at pagpe-perform ni Jessica Villarubin sa All-Out Sundays (AOS) ngayong araw ay ang isang pasabog ng bagong Kapuso singer tungkol sa kanyang pagkawala.
Photo credits: @rapyuphotos
Tinanghal na grand champion ng The Clash Season 3 si Jessica. Ang kanyang pagkapanalo rito ang naglunsad ng kanyang showbiz career bilang isang Kapuso.
Hindi nagtagal ay nawala sa mata ng publiko si Jessica. Ngunit matapos ang ilang linggo, muli na siyang napanood sa AOS ngayong araw kung saan kinanta niya ang kanyang debut single at victory song na “Ako Naman,” isang original composition ni Christian Bautista.
Mensahe ni Jessica sa mga manood, “Thank you! Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng sumusuporta at finally nakabalik na ako dito sa AOS kasama kayong lahat, and looking forward na maging ka-tambay ninyo tuwing Linggo.
“Thank you po Sir Christian Bautista for writing that as well. Iniimbitahan ko po kayong lahat na pakinggan at i-stream ang first single ko, ang “Ako Naman” sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at lahat ng digital stores worldwife."
Sa kanyang muling public appearance ay isang pasabog din daw ang kanyang aaminin.
Wika ni Jessica, “Marami kasi nagtatanong bakit ako nawala sa AOS. Bukas po mapapanood n'yo po ako sa Mars Pa More at doon ko mas ikukuwento sa inyo ang naging journey ko these past few weeks.”
Samantala, nag-post din siya sa kanyang Instagram account at nagpahiwatig tungkol sa self-love.
Isang quote mula sa author na si Mandy Hale ang kanyang ibinahagi at sinabing, “It's not selfish to love yourself, take care of yourself, and to make happiness a priority. It's necessary.”
Mas kilalanin pa si Jessica sa gallery sa ibaba: