GMA Logo Jessica Villarubin
What's Hot

Jessica Villarubin, naghahanda na sa Sparkle World Tour 2025

By Maine Aquino
Published August 11, 2025 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: January 8, 2026
Illegal firecrackers seized in MisOr and SOCCSKSARGEN destroyed
Masungi Georeserve extends Celestial Nights until February

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Villarubin


Jessica Villarubin on being part of Sparkle World Tour: "I am really grateful."

Puno ng pasasalamat si Jessica Villarubin dahil isa siya sa mga mapapanood ng mga Kapuso abroad sa Sparkle World Tour 2025.

Ikinuwento ito ni Jessica sa media conference ng Sparkle World Tour 2025. Ang Power Diva ng GMA na si Jessica ay isa sa mga mapapanood sa Sparkle World Tour na gaganapin na ngayong August 16 and 17 sa Toronto, Canada, in partnership with Taste of Manila. Sa August 29 to September 1 naman ang Sparkle World Tour sa Eau Claire Park, Calgary, in partnership with Fiesta Filipino. Samantala, ang GMA Pinoy TV na nagsi-celebrate ng 20th anniversary ay ang proud media partner ngayong 2025 Sparkle World Tour.

Makakasama ni Jessica sa Sparkle World Tour 2025 sina Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Aiai Delas Alas, Boobay, at Pepita Curtis para i-entertain ang global Pinoys sa Canada.

Saad ni Jessica, "Noong nalaman ko po na part ako ng Sparkle World Tour parang hindi po ako makapaniwala talaga kasi it's my first time po. Nag-abroad na po ako pero first time ko po sa Canada. And siyempre 'yung mga kasama ko ay bigatin din. Kaya noong nalaman ko, 'Hala, kasama ako.'"

Ayon pa kay Jessica, excited siya na makapiling ang mga kababayan sa Canada.

"It's a tour e so I am really grateful na isa po ako sa mga napili na maging part ng event na 'to. I am really excited na makita ang mga kababayan natin hindi lang sa Manila pati mga Cebuana, kapwa Cebuano ko, mga Bisaya. Sana naman ay maraming nandoon."

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Inamin din ng Tanghalan ng Kampeon judge na pinaghahandaan niya ang performance para sa Sparkle World Tour 2025. Ani Jessica, "Very excited po ako mag-perform at marami po akong inihandang songs na siyempre makaka-relate din ang mga tao at magbigay ng saya. 'Yun talaga ang goal naming lahat."

SAMANTALA, NARITO ANG MGA LARAWAN SA MEDIA CONFERENCE NG SPARKLE WORLD TOUR 2025: