GMA Logo jessica villarubin
What's Hot

Jessica Villarubin, naging mas confident matapos ang Expo 2020 Dubai

By Bianca Geli
Published April 4, 2022 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos, tikom muna sa pagtakbo ni Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2028: ‘It’s her choice’
Mang Larry's Isawan owner thanks UP community
Truth is “58th” star Glaiza de Castro’s source of courage

Article Inside Page


Showbiz News

jessica villarubin


Kumusta kaya ang first performance abroad ng 'The Clash Season 3' grand champion na si Jessica Villarubin?

"Napakasaya as in!"

Ito ang unang naging reaksiyon ni Kapuso singer Jessica Villarubin nang tanungin kung kumusta ang naging first ever performance niya abroad para sa Expo 2020 Dubai na ginanap noong March 30.

Dagdag ni Jessica, "Nung una kinakabahan ako sa magiging reaction ng mga tao. Pero kapag nandoon ka na at makikita mo 'yung mga tao na pumapalakpak, 'yung confidence mo ma-pu-push talaga. Ang ganda sa feeling talaga."

Masaya rin si Jessica na naging mainit ang pagtanggap ng mga Pinoys abroad sa kanila nina Kapuso stars Julie Anne San Jose at Xian Lim.

"Actually, nung meet-and-greet, may mga Bisaya rin, as in nag chikahan lang kaming lahat. Excited lang silang makita kami. Binigyan pa kami ng mga tsokolate, na-shock kami, mahal na mahal nila 'yung mga Pilipino.

"Napakainit ng pagtanggap sa amin ng mga Pilipino doon, they're very happy na makita kami."

'Yung mga cousins ko from Abu Dhabi, pumunta talaga sila doon. May mga friends din kaming na-meet, so meron po talaga. May mga nakilala rin kami doon na Bisaya rin, napakasaya lang. They were very accommodating and approachable, napakasayang experience talaga."

Kahit kapos sa oras, nakapamasyal nang kaunti sa Dubai sina Jessica, Julie Anne, at Xian at nakita ang ilan sa mga tourist spots sa lugar.

Aniya, "Nakapag-stroll naman kami sa Burj Khalifa at nakapag-shopping, nakapaglibot kami, ang ganda as in. Mga makeup lang po binili ko saka mga pasalubong sa family."

Todo suporta naman kay Jessica ang kanyang All-Out Sundays family. "Actually, 'yung 'Queendom' po talaga sina Hannah [Precillas], Thea [Astley], at 'yung iba pa, they really wished me well. Parang, 'Go, 'day!' sila lagi sa 'kin, very supportive, so I'm thankful to my 'Queendom' fam. Marami rin silang binigay na advice, may mga binilin naman silang mga message pabaon para sa akin."

Naging dagdag experience at confidence din para sa Cebuana native ang naganap na performance sa Dubai, na dinaluahan ng milyong-milyong attendees.

Kwento ni Jessica, "Yung Dubai Expo it's a big event so be there is an honor talaga, hindi lahat nabibigyan ng opportunity na makapagperform sa Dubai Expo. Actually, tinanong ko pa sa handler ko kung bakit ako 'yung napili. Na-feel ko na kaya ko palang mag-perform abroad."

"Nakakatulong talaga siya, as a newbie, I'm still gaining followers and fans so I think advantage siya for my career para mas maraming makilala sa akin not just here in the Philippines but also abroad po."

Ang Expo 2020 Dubai ay isang world expo event sa United Arab Emirates mula October 2021 hanggang March 2022. Originally scheduled noong 2020, na-postpone and world expo event dahil sa pandemya. Dinaluhan ito ng ilang international stars tulad nina Christina Aguilera, Coldplay, Marshmello, Black Eyed Peas, Jason Derulo, Armin Van Burren, at Norah Jones.

Tingnan ang Expo 2020 Dubai moments nina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, at Xian Lim: