
Tinutukan ang homecoming concert sa Cebu ng The Clash Season 3 Grand Champion na si Jessica Villarubin.
Si Jessica ay bumalik sa Cebu para sa kaniyang homecoming concert nitong May 7. Ginanap ang kaniyang inaabangang performance sa San Fernando Sports Complex.
Bago ang kaniyang concert ay ipinasilip ang technical rehearsal ng Kapuso performer. Nagbigay rin ng oras si Jessica para sa interview sa Mactan Cebu international airport. Dumating din si Mommy Teofila Villarubin para magbigay ng suporta at dahil sa labis na pagka-miss kay Jessica.
Photo source: Sparkle GMA Artist Center
Napuno ni Jessica ang kaniyang concert venue kaya naman minabuti ng organizer na maglagay ng LED sa labas para makapanood ang iba niyang mga supporters.
Photo source: Sparkle GMA Artist Center
Ayon kay Jessica, hindi niya malilimutan ang suportang natanggap kahit noong nagsisimula pa lang siya sa The Clash.
“Start pa lang ng The Clash talaga, grabe na yung suporta na ibinigay sa akin ng mga San Fernandohans. As in every time na sasali ako, nagseset-up sila sa gym ng mga chairs tapos nandoon lahat ng tao nanonood. Grabe 'yung init ng suporta talaga na ibinigay po nila sa akin at hindi ko po talaga malimutan 'yung mga tao na tumulong sa akin noong time na yun”
Congratulations, Jessica!