GMA Logo jessica villarubin
Image Source: jessicavillarubin (Instagram)
What's Hot

Jessica Villarubin, open na ba sa love life?

By Bianca Geli
Published September 21, 2022 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jessica villarubin


Handa na ba magkaroon ng love life soon si Kapuso singer Jessica Villarubin?

Kahit punung-puno ng pag-ibig ang mensahe ng bagong single ni Jessica Villarubin na "Ikaw Lang Ang Iibigin," single at hindi raw in love ang Cebuana singer.

Kwento ni Jessica sa Kapuso Brigade Zoomustahan, "So, 'yung song ko po na 'Ikaw Lang Ang Iibigin' is a love song. I dedicate this sa mga taong in love, sa mga ikakasal, o kahit sa mga LDR. About love talaga siya. About expressing your love to someone without expecting anything in return.

"Sa mga heartbroken, hindi muna ito para sa inyo. Kasi ginawa talaga siya para sa mga in love. Sana magustuhan niyo at ma-add niyo 'yung kanta sa playlist niyo. Sana masama niyo 'yung song ko."

Dagdag ni Jessica, challenge rin para sa kanya na kumanta ng love song na puno ng emosyon habang hindi siya in love. Kahit masaya raw siya sa pagiging single, handa naman daw siya kung dumating na ang tamang tao para sa kanya.

"Na-try ko rin naman ma-in love,kasi ngayon, at the moment, hindi ako in love. So, nung nag-record ako, iniisip ko paano ko gagawin na tunog in love talaga ako. Na-experience ko naman ma-in love before, so 'yun 'yung hugot ko nung nag-record ako ng song na ito.

"Ako naman, as of now parang wala talaga. Focused ako sa career ako. Pero kung may darating man na tamang tao, wala naman akong specific na gusto kung artista man or singer--si God na bahala kung sino ibibigay niya sa akin at alam ko may tamang oras para diyan. Sa ngayon, sa career ko talaga binubuhos lahat, at na-e-enjoy ko naman na ako lang at 'yung family and friends ko lang.

Inilahad din ni Jessica ang mga gusto niyang katangian sa isang ideal partner.

"Siguro sa future partner ko, 'yung maka-vibe ko lang talaga. 'Yung tanggap lang ako, kung sino ako. Hindi naman ako choosy sa ganyan. 'Yung nagkakaintindihan kami at mabait.

May payo rin si Jessica para sa mga naghahanap ng love life.

"Siguro ang advice ko sa mga naghahanap ng The One nila, may perfect time kasi kung kailan mo ma-me-meet 'yung special someone mo. Siguro mas kilalanin nila 'yung tao, and siyempre dapat magka-vibe kayong dalawa, at tanggap ka niya kung sino ka man. Kapag na-feel mong comfortable ka talaga sa isang tao, 'yun na 'yun.

TAKE A LOOK AT JESSICA VILLARUBIN'S HOMECOMING CONCERT IN CEBU: