
Sa August 7 episode ng Bihag, hahanapin ni Brylle (Jason Abalos) si Jessie (Max Collins) kay Larry (Mark Herras) sa police station.
Ilalagay naman ni Reign (Sophie Albert) si Jessie sa isang kahon para dispatsahin nito.
Dahil nasa kanya pa ang kanyang cellphone, masasagot ni Jessie ang tawag ni Brylle at hihingi ng tulong.
Panoorin ang highlights ng August 7 episode ng Bihag:
Tunghayan ang Bihag, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime.