
Sa isang pambihirang pagkakataon, muling napanood sa telebisyon ang aktres at ngayon ay celebrity mom na si Jessy Mendiola sa kaniyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes, April 5.
Napansin ng batikang TV host na si Boy Abunda ang hindi kumukupas na ganda ni Jessy kahit pa siya ay abala sa pagiging hands-on mom sa anak nila ni Luis Manzano na si Peanut.
Ayon kay Jessy, tila malapit na nga raw nila bigyan ni Luis ng kapatid si Peanut kung ipagkakaloob sa kanila.
Tanong kasi ni Boy kay Jessy, “Ready for a second baby or enjoy muna?”
Nakangiting sagot naman ng aktres, “I think…malapit na.”
Dagdag pa niya, “Gusto ko talaga ng maraming anak Tito Boy, kung kaya ko lang talaga nang sabay-sabay.”
Kuwento ni Jessy, ang mister niyang si Luis ang siya ring humihingi na ng pangalawang anak.
Aniya, “'Pag nakikita n'yang [Luis Manzano] naglalakad na si Peanut, palagi niyang sinasabi, 'You want to be an ate, anak?' Palaging ganun na.”
“So parang sasabihin n'ya sa akin, 'Ano, Love? Pwede na ba?' So parang ako, 'Oo naman.' Syempre, I mean, kung ibigay ni Lord, 'di ba?”
Sa pagpapatuloy ng kanilang kuwentuhan, tinanong naman ni Boy si Jessy kung ano ang ipapangalan nila sa kanilang susunod na magiging anak ni Luis.
“Halimbawa, your next baby, boy, girl. Anong pangalan? Meron na? Wala pa?” pag-uusisa ni Boy.
“Meron na kaming name, actually, uhm...kahit pa girl or boy, Ocean,” ani Jessy.
Paliwanag niya, “Mahilig talaga kami sa dagat, sa tubig, and we are beach lovers. So talagang sabi ko, 'Pwede 'no? Sa girl or sa boy, Ocean.' Ocean Tawile Manzano, 'yon.”
Nito lamang February 2024, muling nagpakasal sina Jessy at Luis sa isang beach wedding sa Palawan.
BALIKAN ANG MGA LARAWAN SA KANILANG SECOND WEDDING, DITO: