
Ipinagdiwang nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang third anniversary kamakailan at mayroong taos-pusong mensahe ang huli para sa kanyang asawa.
Sa isang Instagram post, ipinakita ng celebrity mom ang ilang larawang kuha mula sa kasal nila ni Luis at naglagay ng isang quote tungkol sa pagpapakasal.
Noong February 15, matatandaan na ibinalitang nagkaroon ng special church wedding ang celebrity couple sa Coron, Palawan.
“'Marriage is not the end of the search for love. It's the end of the search for the person to love. The search for ways to love that person has just begun,'” sulat ng aktres sa caption.
Inihayag ni Jessy ang napag-usapan nila ni Luis sa kanilang Pre-Cana, na isang preparasyon para sa mag-asawang ikakasal sa simbahang Katoliko.
“During our Pre-Cana with father Tito, ang sabi natin hindi na tayo excited ikasal dahil kasal na tayo. Being together for almost 8 years and being married for 3 years have taught me so many things,” patuloy niya.
Ayon sa aktres, isa rito ay ang natutunan niya tungkol sa pag-ibig na, "love is not always easy and that it isn't supposed to be easy all the time."
Aniya, “You have to constantly work hard for it. And that's okay.. Today, I'm choosing to work harder for your love and happiness. Tulad nga ng sabi ni father, do not chase excitement… mas importante ang desire. The desire to get married over and over again with that person you chose.”
Nagbigay rin ng pangako si Jessy sa kanyang asawa at anak na si Isabelle Rose Manzano, o Rosie, at ipinarating ang kanyang pagmamahal.
“God has given us our biggest blessing, our little Rose. And I always say this, kayo lang… sapat na. I promise to love our family with all my being. I promise to always choose you over and over again, even on our hardest days and I promise to protect our peace and happiness. I love you Peanut… and I love you, my howhow. Forever and always,” dagdag niya.
Sa huling bahagi ng post, nagpasalamat ang 31-year-old actress kay Luis dahil sa pagmamahal nito sa kanya.
“Happy 3rd anniversary, my love. Thank you for always choosing to love me no matter what. I love you with all my heart,” saad niya.
Ang intimate wedding ceremony nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ay naganap noong 2021 at isinilang ang kanilang anak na si Rosie noong December 2022.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA LUIS AND JESSY SA GALLERY NA ITO.