
Inamin ni Jestoni Alarcon na may ayaw siyang maranasan ng anak niyang si Angela Alarcon sa mundo ng showbiz.
Ikinuwento ito ni Jestoni sa Sarap, 'Di Ba?. Tanong ng host nitong si Carmina Villarroel-Legaspi kay Jestoni, "Ano'ng bad experience ninyo sa showbiz na ayaw ninyong maranasan ng mga anak ninyo?"
Saad ni Jestoni ay ang makaranas ng pangba-bash ang anak na si Angela.
"Sana huwag naman siya sana magkaroon ng mga bashers na titirahin 'yung personal niya."
Ayon kay Jestoni ay simula ng pumasok si Angela ay hindi naman siya na-involve sa intriga.
"Wala naman, kasi ipinapakita naman niya kung ano 'yung trabaho niya. Hindi naman siya nai-involve sa masasamang intriga o masasamang grupo. Sabi ko pag-ingatan mo lang."
Inilahad pa ni Jestoni ang kaniyang paalala sa anak niyang si Angela. Ayon kay Jestoni, mahalaga ang lakas ng loob at pakikisama sa mga tao sa industriya.
"Sinabi ko sa kaniya ito ang showbiz, kailangan malakas ang loob mo kasi gusto mo umarte, gusto mo ipakita ang talent mo 'di ba? Kailangan maging masunurin ka sa mga direktor, lahat, at makisama ka sa mga tao."
Dugtong pa ni Jestoni, "Ipakita mo na kaya mo, na mahusay ka kahit nag-uumpisa ka na gusto mong matuto."
Panoorin ang sagot ni Jestoni dito: