
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Isa sa mga gaganap na leading men sa D' Originals ay si Jestoni Alarcon at dito ay makakatambal niya sina Jaclyn Jose at Katrina Halili. Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com sa aktor, kinuwento niya ang magiging istorya ng karakter niyang si Lando.
"D' Originals, ibig sabihin 'yung mga original na asawa namin gaya nina Jaclyn Jose, LJ Reyes at Kim Domingo. Dito pinapakita ang mga nangyayari sa buhay mag-asawa, kung papaano nila malalagpasan ang mga challenges at tukso sa buhay. Ako'y isang pamilyado na mapagmahal sa family with Jaclyn and after years of marriage, magkakaroon ng kaunting problema. Kung papaano maaayos 'yon, malalaman natin," kuwento ni Jestoni.
Kamusta naman kaya katrabaho sina Jaclyn at Katrina sa set ng D' Originals?
"Professional makatrabaho, masaya kami sa set kasi ito'y dramedy. Hindi mabigat 'yung mga eksena so tawanan lang and magaling si Direk Adolf Alix na sanay sa ganitong tema ng storya," sagot niya.
May mensahe naman ang beteranong aktor para sa mga manonood ng kanilang show.
Aniya, "Bawal 'yan! Kung ginagawa namin sa TV shows 'yan, hindi naman kailangang gayahin ng mga tao. Kailangang maging lessons sa kanila na huwag gawin para maayos ang takbo ng buhay ng pamilya at ng future mo. Tigilan niyo na, tama na, magpakabait na kayo."
Huwang na huwag palalampasin ang D' Originals, ngayong Lunes (April 17) na!
MORE ON 'D' ORIGINALS':
Lovely Abella, excited na mapabilang sa 'D' Originals'
READ: Paano lumalayo sa tukso si Mark Herras?
READ: Bakit natigil sa pagiging playboy si Archie Alemania?