
Isang intense drama film ang tampok ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood dito ang Jesusa na pinagbidahan ni award-wnning actress Sylvia Sanchez.
Tungkol ito sa isang babae na malululong sa droga dahil sa sunud-sunod na pagsubok sa kanyang buhay.
Abangan ang Jesusa, August 30, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mahilig sa natural horror films, nariyan ang Pangil sa Tubig.
Pinagibidahan ito Derek Ramsay, Yam Concepcion, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat.
Iikot ang kuwento nito sa isang tahimik na bayan na bubulabugin ng isang misteryoso at malakas na nilalang sa kanilang ilog.
Huwag palampasin ang Pangil sa Tubig, August 31, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.