
Naglabas ng statement online ang model at dating Mister Pilipinas Global na si Jether Palomo pagkatapos masangkot sa isang social media controversy.
Ang statement ang natatanging post sa Instagram account ni Jether pagkatapos i-archive ng modelo ang iba pa niyang mga post. Sa statement, ipinaliwanag ni Jether na nag-iwan siya ng isang “lighthearted” na comment sa isang post tungkol sa birthday party ng isang kaibigan, na dinaluhan ng mga kaibigan mula sa iba't ibang parte ng mundo. Bagamat pabiro lamang umano ang kanyang comment, tinanggap ni Jether na nakasakit ang kanyang komento at ngayon ay humihingi siya ng paumanhin.
Ayon kay Jether, isa siyang purong Pilipino na pinanganak sa United States. Proud siya sa bansa kung saan siya pinanganak, pero dinagdag niya na proud din siya sa kanyang Filipino heritage. Nangako siyang maging “more mindful” sa plataporma na ibinigay sa kanya, pati na rin sa responsibilidad na dala nito.
Basahin ang kanyang buong statement sa baba.
Si Jether Palomo ang kumatawan sa bansa sa 2025 Mister Global pageant, kung saan nangampanya siya para sa isang back-to-back para sa bansa kasunod ng pagkapanalo noong 2024 ng kapwa Pilipino na si Daumier “Dom” Corilla.
Umabot hanggang top 11 si Jether sa pageant. Kung nanalo si Jether, magiging pangalawang korona sa male pageantry ito ng bansa noon 2025, dahil kinoronahan si Kirk Bondad bilang Mister International noong nakaraang linggo.
RELATED CONTENT: The Mister Pilipinas Worldwide winners are your new summer fitspiration