What's on TV

Jett Pangan, may language coach para sa kanyang role sa 'Babawiin Ko Ang Lahat'

By Dianara Alegre
Published January 14, 2021 12:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jett Pangan


May special role si The Dawn frontman Jett Pangan sa upcoming Kapuso series na 'Babawiin Ko Ang Lahat.'

May special role ang singer-actor na si Jett Pangan sa upcoming Kapuso drama na Babawiin Ko Ang Lahat dahil kinailangan niya pang mag-aral ng ibang foreign language para rito.

Gaganap kasi siyang isang Japanese sa serye at aniya, kumuha raw ang programa ng language coach para matulungan siyang mag-ensayo ng Japanese language.

Source: jett_pangan (Instagram)

“Buti na lang meron silang hinire na language coach online. Sa Viber tinuturuan ako ng mga words and how to pronounce. Tapos syempre bilang Japanese ako na marunong mag-Tagalog, 'yung accent ko may Japanese accent,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Kahit nanibago sa lock-in taping ay na-enjoy naman daw ni Jett ang pakikipagtrabaho sa co-stars niyang sina Carmina Villarroel, John Estrada, Tanya Garcia, at Pauline Mendoza.

Source: jett_pangan (Instagram)

Samantala, kahit na sa concert stage siya nagsimula bilang frontman ng sikat na rock band na The Dawn hanggang sa makapasok sa teatro at ngayon ay tampok na rin sa isang TV series, nananatili pa ring first love niya ang pagtugtog at paggawa ng mga kanta.

“We were fortunate na nung Oktoberfest last year we're able to play together for the first time since the pandemic. So, nag-set up sila ng stage pero walang tao, it's just cameras, pero tumugtog kami nang live,” aniya.

Kahit na may pandemya ay hindi raw sila tumitigil sa paggawa ng mga bagong kanta.

“Corny as it may sound, it's really the love for music, e. 'Yun ang talagang glue that bonds us together. Hanggang ngayon magzu-Zoom kami sa gabi to come up with some ideas,” lahad niya.

Sa katunayan, may ilalabas silang bagong awitin na anila ay napapanahon at angkop sa sitwasyon ngayon.

Source: jett_pangan (Instagram)

“I'm co-writing the song with one of the members of The Dawn, si Francis Reyes. And then the rest of the members will have their input but yeah we're writing a new song na inspiring naman despite the times,” dagdag pa niya.

Ang The Dawn ang nagpasikat sa mga awiting Salamat, I Saw You Coming In, Ang Iyong Paalam, at marami pang iba.

Bukod sa TV appearances at paggawa ng bagong kanta, abala rin si Jett sa kanyang podcast at YouTube channel.

Abangan ang karakter ni Jett sa upcoming series na Babawiin Ko Ang Lahat soon sa GMA.

Kilalanin ang buong cast sa gallery na ito: