
Isang iconic Koreanovela ang muling matutunghayan ngayong October sa GMA News TV.
Nagbabalik ang hit series na Jewel in the Palace, tampok si Lee Young-Ae.
Abangan muli ang kuwento ni Jang-Geum na magsisimula bilang isang kusinera sa palasyo. Dahil sa kanyang talento, maiaangat niya ang kanyang sarili bilang isang doktor at personal na tagapaggamot ng hari.
Panoorin ang Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 pm, simula October 1 sa GMA News TV.