
Sa ikapitong linggo ng iconic Koreanovela na Jewel in the Palace, matapos ang matagumpay na pagsisilbi nina Lady Han at Jang Geum sa ambassador ng Ming at pagsasaalang-alang sa kalusugan nito, hinarap ng Inang Reyna ang lahat ng mga tagapaglingkod sa kusina. Ito ay para ipaalam na si Lady Han ang nagwagi sa ikalawang bahagi ng paligsahan sa pagitan nila ni Lady Choi.
Para sa huling bahagi ng kompetisyon, ipinatawag ng Reyna sina Lady Jung, Lady Choi, at Lady Han para ipaalam na wala itong tema, na ang ibig sabihin ay nais niyang ibigay nina Lady Choi at Lady Han ang pinaka-best nilang putahe para sa darating nitong kaarawan.
Sa paghahanda sa paligsahan, sinabutahe ni Lady Choi ang mga gagamiting sangkap nina Lady Han at Jang Geum. Ipinadukot din ng tiyuhin ni Lady Choi si Lady Han para hindi ito makadalo sa araw ng paligsahan.
Kahit na labis na nag-aalala dahil hindi pa rin nakababalik si Lady Han sa palasyo, sinubukan pa ring maging kalmado ni Jang Geum para sa paligsahan. Hiniling nito kay Lady Jung na kung maaari ay siya muna ang humalili kay Lady Han habang wala ito at nagsimula ng maghanda ng lulutuin para sa kaarawan ng reyna.
Nasiyahan ang hari sa mga putaheng inihanda nina Jang Geum at Lady Choi para sa pagdiriwang at inanunsyo na si Jang Geum ang nanalo sa huling bahagi ng paligsahan.
Patuloy na subaybayan ang Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at Sabado, 3:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Jewel in the Palace at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
BALIKAN ANG MGA GINAWA NI JANG GEUM PARA MAIBALIK ANG KANIYANG PANLASA SA GALLERY NA ITO: