
Sa ikasiyam na linggo ng iconic Koreanovela na Jewel in the Palace, nakahanap ng paraan si Jang Geum para makabalik sa palasyo.
Nang malamang ipinapatawag si Jang-duk sa palasyo para roon na magtrabaho bilang nurse, nakiusap si Jang Geum sa huli na turuan siya sa medisina. Ito ang naisip na paraan ni Jang Geum para makabalik sa palasyo at maipaghiganti ang kanyang ina at si Lady Han.
Makalipas ang dalawang taon, mas lumawak ang kaalaman ni Jang Geum sa medisina. Sa panahong ito, madalas ang pag-atake ng mga Hapones at pirata sa isla ng Jeju.
Isang gabi, nang sumalakay ang mga ito sa isla, napasama si Jang Geum sa mga nahuli. Sa pagkakataon ding ito, nalalagay sa panganib ang kalusugan ng dayuhang heneral.
Dahil si Jang Geum lamang ang may kaalaman sa medisina mula sa mga bihag, sa kanya ipinatingin ang heneral. Nalaman ni Jang Geum na hindi normal ang tibok ng puso ng heneral at mayroon itong karamdaman sa baga na nangangailangan ng acupuncture.
Naging tapat si Jang Geum na hindi niya kayang magsagawa ng acupuncture at kapag sinubukan niya ito ay maaaring magkamali lamang siya at malagay sa panganib ang buhay ng heneral. Pero wala nang nagawa si Jang Geum kung hindi gamutin ang heneral lalo na nang takutin na siyang isa-isang papatayin ang mga bihag kapag hindi niya ito ginawa.
Kahit na kabado at may pag-aalinlangan, sinunod ni Jang Geum ang natutunan sa medisina at nagtagumpay sa paggamot sa heneral.
Patuloy na subaybayan ang Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at Sabado, 3:00 p.m. sa GTV.
Panoorin ang Jewel in the Palace at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.
BALIKAN ANG MGA GINAWA NI JANG GEUM PARA MAIBALIK ANG KANYANG PANLASA SA GALLERY NA ITO: