GMA Logo Jewel in the Palace
What's on TV

Jewel in the Palace: Paghahanap ni Jang Geum ng lunas sa sakit ng hari | Week 15

By Aimee Anoc
Published March 18, 2024 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel in the Palace


Ano ang madidiskubre ni Jang Geum sa pagkakasakit ng hari?

Sa ikalabing limang linggo ng iconic Koreanovela na Jewel in the Palace, ipinagkatiwala ng reyna kay Jang Geum ang paghahanap ng lunas sa sakit ng hari.

Wala namang sinayang na oras si Jang Geum at nagsaliksik tungkol sa tunay na kondisyon ng hari. Natuklasan ni Jang Geum na maaaring hindi dahil sa pagkain ang pagkakasakit ng hari. Dahil dito, pansamantalang nakalaya sina Lady Choi at Geum Young mula sa pagkakabilanggo.

Sinabi rin ni Jang Geum sa reyna na maaaring ang sanhi ng pagkakasakit ng hari ay dahil sa isang skin disease.

Dahil sa pagnanais na malaman ang tunay na kalagayan ng hari, nagtanong si Jang Geum ng mga aklat pang-medisina kay Master Shin. Ang hindi alam ni Jang Geum na ang librong itinuro sa kanya ng huli ay personal na record ng hari.

Hindi naiwasang magalit ng reyna nang malamang tinignan ni Jang Geum ang personal na record ng hari nang walang pahintulot. Ani ng reyna, ang ginawang ito ni Jang Geum ay hindi mapapatawad. Kaya naman agad na dinakip ng mga kawal si Jang Geum.

Isang gabi, pasikretong dinala ng mga kawal si Jang Geum sa gubat at tila pinainom ito ng lason. Nasaksihan naman ito ng mga alagad ni Lady Choi.

Lingid sa kaalaman ni Lady Choi na palabas lamang ito ng reyna para matulungan siya ni Jang Geum na mahuli ang sabwatang nagaganap sa loob ng palasyo na dahilan ng paulit-ulit na pagkakalagay sa panganib ang buhay ng hari.

Patuloy na subaybayan ang Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at Sabado, 3:00 p.m. sa GTV.