GMA Logo Jewel in the Palace
What's Hot

Jewel in the Palace: Pagtalaga ng hari kay Jang Geum bilang medicine general | Week 16

By Aimee Anoc
Published March 25, 2024 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line, amihan to bring cloudy skies, rains over parts of Luzon
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel in the Palace


Tanggapin kaya ni Jang Geum ang alok ng hari na maging personal na doktor nito?

Sa ikalabing anim na linggo ng iconic Koreanovela na Jewel in the Palace, nais ng hari na bigyan si Jang Geum ng mataas na posisyon sa palasyo bilang medicine general o personal na doktor ng hari, na tinutulan naman ng maraming opisyal dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may isang babaeng maluluklok sa ganitong posisyon.

Nang sasabihin na sana ni Jang Geum sa hari at reyna ang pagtanggi nito sa alok na posisyon, ay siya namang pagdating ng punong kawal para ipaalam sa hari at reyna na nagkaroon ng sakit ang prinsipe. Dahil sa labis na pag-aalala, agad na pinuntahan ng hari at reyna ang prinsipe.

Sa kabilang banda, pinuntahan naman ni Jang Geum si Min Jung-ho para sagutin ang tanong nito kung bakit niya tinanggihan ang pagiging personal na doktor ng hari. Ani Jang Geum, ito ay dahil sa hindi niya gustong umalis sa palasyo ang kanyang guro.

Samantala, pinuntahan ni Jang Geum at ng iba pang mga manggagamot ang mamamayan sa labas ng palasyo para pagalingin ang mga may sakit. Dito na nila natuklasan na may kumakalat na nakahahawang sakit.

Please embed: https://drive.google.com/file/d/1ZZpnmhAwIolm6ReAjPPARRpjEfyTHjy7/view?usp=drive_link

Sa pag-aasikaso sa mga may sakit, nagtagumpay si Jang Geum kung paano malalabanan ito. Nang malaman ito ng reyna ay agad niyang pinuntahan si Jang Geum at nakiusap na pagalingin ang prinsipe na nakakaranas din ng ganitong karamdaman.

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at Sabado, 3:00 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Jewel in the Palace at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

BALIKAN ANG MGA GINAWA NI JANG GEUM PARA MAIBALIK ANG KANYANG PANLASA SA GALLERY NA ITO: