GMA Logo Jewel in the Palace
What's on TV

Jewel in the Palace: Pinahanga ni Jang Geum ang ambasador ng Ming | Week 6

By Aimee Anoc
Published January 15, 2024 12:05 PM PHT
Updated January 15, 2024 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carmina Villarroel recalls the time she realized Zoren Legaspi is 'The One'
Moon not sighted; Eid'l Fitr set on March 21
Repertory Philippines to hold staged readings of 'Private Lives' and 'Sole Survivor'

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel in the Palace


Sina Lady Han at Jang Geum ang naatasang maghain ng pagkain sa mga sugo ng Ming na dumating sa palasyo.

Sa ikaanim na linggo ng iconic Koreanovela na Jewel in the Palace, si Lady Choi ang pansamantalang pumalit kay Lady Jung sa pamumuno sa kusina matapos na magsinungaling ang una na tinamaan ng nakahahawang sakit ang huli.

Ginamit ni Lady Choi ang kapangyarihan bilang bagong tagapamahala para sina Lady Han at Jang Geum ang ipadala sa tahanan ng mga panauhin kung saan sila ang magsisilbi sa mga darating na mga sugo mula sa Ming.

Mahalaga para sa palasyo ang pagdating na ito ng mga sugo dahil nakasalalay sa mga ito ang usapin tungkol sa prinsipe bilang tagapagmana ng korona. Kaya naman hindi sila maaaring magkamali sa pagtanggap at pag-asikaso sa mga darating na bisita.

Sa pagdating ng ambasador ng Ming, naghanda si Lady Han ng mga simple at hindi mamantikang pagkain, pagsaalang-alang na rin sa kalusugan nito at pagkakaroon ng diabetes. Nagulat naman ang ambasador at si Ministro Oh sa pagkaing inihain ni Lady Han.

Kahit na ipinaliwanag ni Lady Han kung bakit ganitong klase ng pagkain ang inihain niya, hindi pa rin ito sapat para sa ambasador. Kaya naman agad na ipinadampot ni Ministro Oh sa mga guwardya si Lady Han.

Nang makita ito ni Jang Geum, muli niyang ipinaliwanag sa ambasador na makabubuti sa kanyang kalusugan ang mga inihaing pagkain ni Lady Han. Humingi rin si Jang Geum ng limang araw para mapatunayan na may magandang dulot ang mga simpleng pagkain na ito sa kalusugan ng ambasador.

Sumang-ayon ang ambasador sa suhestiyon na ito ni Jang Geum at kapag hindi niya napatunayan ang kanyang teorya ay buhay niya ang magiging kapalit.

Nang mabalitaan ni Lady Choi ang nangyari kina Lady Han at Jang Geum sa tahanan ng mga panauhin, agad siyang nagpunta rito at iminungkahi na siya na lamang ang maghahain ng pagkain para sa mga sugo.

Pero determinado si Jang Geum at siya pa rin ang naghain ng mga simpleng pagkain sa ambasador sa loob ng limang araw. Sa kabila nito, hindi pa rin nasisiyahan ang ambasador. Kaya naman sa ikaanim na araw ay si Lady Choi na ang naghain ng mala-piyestang pagkain at nagustuhan ito ng ambasador.

Matapos ang ilang pagtikim, humingi ng tawad kay Jang Geum ang ambasador dahil natukso siya ng masasarap na pagkaing inihain sa kanyang harapan at sinabing ito na ang huling beses na gagawin niya ito.

Pinasalamatan din ng ambassador si Jang Geum dahil sa mga inihain nitong pagkain na nakabuti sa kanyang kalusugan.

Patuloy na subaybayan ang Jewel in the Palace, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., at Sabado, 3:00 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Jewel in the Palace at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

BALIKAN ANG MGA GINAWA NI JANG GEUM PARA MAIBALIK ANG KANYANG PANLASA SA GALLERY NA ITO: