GMA Logo Jewel Mische
Source: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Jewel Mische, naging 'ultimate homemaker' matapos iwan ang showbiz

By Kristian Eric Javier
Published June 26, 2025 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH gets P529.6B budget for 2026
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel Mische


Alamin dito kung ano ang naging buhay ni Jewel Mische malayo sa limelight:

May ilang taon na mula nang huling napanood ang StarStruck alumna na si Jewel Mische. Matatandaan na itinanghal ang dating aktres bilang Ultimate Sweetheart sa season 4 ng naturang reality artista search, bago sumabak sa iba't-ibang TV roles.

Ngunit taong 2013 pa nang huling mapanood si Jewel sa isang teleserye sa isang drama anthology series. Taong 2016 naman nang huling napanood sa telebisyon ang aktres nang makapanayam siya sa dating talk show ni King of Talk Boy Abunda.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 25, tinanong ng batikang host kung bakit iniwan ni Jewel ang show business. Wika ng aktres, pakiramdam niya ay ito ang “right thing to do for me at that time.”

“Quite frankly, at that time, hindi ako decided, hindi ako sure kung first love ko ba talaga ito, ito ba talaga 'yung passion ko, ito ba talaga 'yung gusto kong gawin for the rest of my life,” sabi ni Jewel.

Naging malaking factor din ang pagdating ng asawa na niya ngayon na si Alister “Alex” Kurzer sa kaniyang buhay, at pagtatapos ng kaniyang kontrata para mabuo ang desisyon na huminto na sa pag-aartista.

“Alex (Alister Kurzer) came at the right time. At that time, patapos na rin 'yung contract ko with ABS-CBN and so napadali 'yung desisyon ko to pursue my other dream: to have a family,” sabi ni Jewel.
Ikinasal siya kay Alex noong 2015 at matapos umalis sa showbiz ay iniwan na niya nang tuluyan ang bansa at nanirahan na sa Michigan, USA para bumuo ng pamilya kasama ang kaniyang asawa.

Itinuring ni Jewel ang sarili bilang “ultimate homemaker” nang manirahan sila sa Michigan. Nakapag-focus din umano ang dating aktres sa kaniyang passions tulad ng gardening, at sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

“Very peaceful ang life ko du'n. Nasubukan ko rin magtrabaho. I was a designer for a landscaping company, all around, lahat ng pwede kong gawin,” sabi ni Jewel.

Nang tanungin naman siya ni Boy kung kukunin ba niya kung sakaling may mag-alok ng teleserye o pelikula, sagot ni Jewel, “I think so, yes. With the right material.”

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA MAS PINILING IWAN ANG SHOW BUSINESS PARA SA BUHAY ABROAD SA GALLERY NA ITO: