GMA Logo Jewel Mische Kris Bernal and Chariz Solomon
What's on TV

Jewel Mische, nakatanggap ng mensahe mula kina Kris Bernal at Chariz Solomon

By Kristian Eric Javier
Published June 26, 2025 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel Mische Kris Bernal and Chariz Solomon


Hindi lang ang publiko, maging ang batchmates ni Jewel Mische sa 'StarStruck' ay na-miss siya.

Taong 2016 nang huling napanood si StarStruck Season 4 Ultimate Sweetheart Jewel Mische sa telebisyon. Ilang taon na rin ang lumipas nang umalis ang dating aktres sa Pilipinas para manirahan sa Michigan, USA kasama ang kaniyang asawa na si Alex Kurzer.

At dahil na-miss siya ng ilan sa kaniyang batchmates, sa pagbisita ni Jewel sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, June 25, nagbigay ng mensahe ang kaniyang ka-batch na sina Kris Bernal at Chariz Solomon.

Sa mensahe sa kaniya ni Kris, sinabi nitong na-miss niya si Jewel, at inalala ang pagiging focused nila noon sa reality artista search at sa pagiging artista.

“Pero ngayon, nasaan na tayo? Mommies na tayo and nakikita ko na talagang na-e-enjoy mo 'yung pagiging mommy ngayon,” sabi ni Kris.

Ipinahayag din ng aktres ang kagustuhan niyang makita muli si Jewel, at makatrabaho ito sa isang project kung papalarin.

“Let's catch up soon. Nami-miss na kita, magchikahan tayo pero happy ako na na-e-enjoy mo ang buhay mommy, na-e-enjoy mo ang family life. Ako, na-e-enjoy ko [rin]. Halika, mag-usap tayo,” pagtatapos ni Kris.

Nagbigay rin ang Bubble Gang mainstay at ngayon ay co-host na sa vlogcast na Your Honor na si Chariz. Sinimulan niya ang mensahe sa pag-welcome kay Jewel dahil nagbalik ito sa GMA para sa kaniyang guesting sa naturang Afternoon Prime talk show.

“Siyempre andito tayo sa Sparkle na dati GMA Artist Center. Dito tayo lahat nagsimula 20 years ago. At siyempre ikaw ang nag wagi na Ultimate Sweetheart,” sabi ni Chariz.

Binati rin ng comedienne si Jewel para sa napakaganda nitong pamilya at ipinahayag ang hiling nito na i-bless pa siya ni Lord.

“Congratulations and sana i-bless pa ni Lord 'yung mga future plans mo kahit sa showbiz man 'yan o outside showbiz. And siyempre, sana lagi kayong masaya as a family and healthy palagi. See you soon,” pagtatapos ni Chariz.

TINGNAN ANG STARSTRUCK WINNERS TRANSFORMATION

Binalikan naman ni Jewel ang isang eksena sa StarStruck kung saan ginupitan ng buhok si Kris. Sinabi nito na maging siya ay iiyak din kagaya ng kaniyang batchmate kung siya ang nagupitan ng buhok.

“But of course, she was ano, totoo lang talaga na maiiyak ka. Ako, iiyak ako kung ako 'yun,” sabi ni Jewel.

Ipinahayag din niya ang paghanga kay Chariz, at sinabing iba ang appeal nito sa lahat ng mga nakasama niya noon sa kanilang batch.

“Iba ang appeal niya at saka natatalinuhan kasi ako sa mga komedyante, 'yung mga humorous, matalino sila, charming siya,” paglalarawan ni Jewel kay Chariz.

Balikan ang panayam kay Jewel dito: