Article Inside Page
Showbiz News
Sa ikalawang Linggo ng Marso magtatapos ang eight-part episode ng GMA-7 drama anthology na
Dear Friend.
Sa ikalawang Linggo ng Marso magtatapos ang eight-part episode ng GMA-7 drama anthology na Dear Friend nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, ang "Bulong ng Puso." Pinagbibidahan ito nina Jennica Garcia at Mart Escudero.
Itong Linggo, March 1, hanggang Huwebes, March 5, nakatakdang lumipad patungong Dapitan City, Zamboanga del Norte, sa Dakak Park and Beach Resort ang cast and crew ng
Dear Friend para kunan ang four-part summer episode na pinamagatang "Karibal." Ito at mga susunod pang episode, ay in four installments lang, 'di gaya ng "Bulong ng Puso," na walo.

Directed by Jun Lana, naibalita na ang original cast ng "Karibal" ay sina
Katrina Halili,
Yasmien Kurdi,
Alfred Vargas, at introducing si
JC Tiuseco.
Hindi pumuwede ang schedule ni Yasmien dahil nag-aaral ang
StarStruck 1 First Princess, kung kaya't pinalitan siya ng
StarStruck 4 Ultimate Sweetheart na si
Jewel Mische. Si Jewel ang magiging partner ni JC, ang kauna-unahang ng Pinoy Sole
Survivor.
Ang "Karibal" ay magsisilbing reunion naman ng love team nina Alfred at Katrina pagkatapos ng pelikula nilang
Gigil noon sa Regal Entertainment, na si Jun din ang nagdirek at sa Boracay naman kinunan noon. Ang Boracay rin ang isa sa dalawang pinagpiliang location ng "Karibal" pero mas napaboran nga ang Dakak.
Makakasama rin sa cast ang isa pang
StarStruck avenger na si Kevin Santos.
Sa Marso 15 ang unang telecast ng "Karibal." -
PEP.ph. Photos by Mitch S. Mauricio.
Find out from Yasmien kung ano ang reaction niya sa balitang ito! Log on this March 5, sa
iGMA Live Chat from 2 p.m. to 4 p.m.!