GMA Logo Bea Binene and Jake Vargas in The Fake Life
What's on TV

JhaBea fans, kilig na kilig sa reunion nina Jake Vargas at Bea Binene sa 'The Fake Life'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 9, 2022 4:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

Bea Binene and Jake Vargas in The Fake Life


"Normal pa daw bang kiligin sa mag ex???? SYEMPRE NORMAL PAG JHABEA" komento ng isang fan sa Twitter.

Matapos ang pitong taon, muling nagkatrabaho ang mag-ex na sina Jake Vargas at Bea Binene sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.

Naging espesyal ang muling pagtatambal nina Jake at Bea dahil magkarelasyon pa ang kanilang karakter sa The Fake Life na sina Mark at Cindy.

Dahil dito, kilig na kilig tuloy ang fans ng loveteam nina Jake at Bea na JhaBea.

Tanong nga ng isa sa Twitter, "Normal pa daw bang kiligin sa mag ex???"

Bukod kina Jake at Bea, kasama rin nila sa The Fake Life si Kristoffer Martin na co-star nila noon sa Tween Hearts.

Ano kaya ang mangyayari sa mga karakter nina Jake, Bea, at Kristoffer?

Abangan ang The Fake Life, Lunes hanggang Biyernes, 4:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Raising Mamay.

Samantala, alamin kung nasaan na ang iba pang bituin ng Tween Hearts sa gallery na ito: