
Cuteness at good vibes ang inihandog ni Jhong Hilario sa kaniyang birthday celebration sa fun noontime program na It's Showtime!
Noong Sabado (August 16), masayang ipinagdiwang ng dancer-host ang kaniyang kaarawan sa isang special performance.
Ngunit hindi lang siya ang naghandog ng saya sa stage dahil kasama ni Jhong ang kaniyang cute na anak na si Sarina!
Unang kinanta ng mag-ama ang heartfelt song na "True Colors" ni Cyndi Lauper.
Sunod naman nilang ipinakita ang kanilang dance moves sa hit track na "Gameboy" ng girl group na KATSEYE.
Hindi natatapos doon ang mga sorpresa dahil biglang nag ala Saja Boys at HUNTR/Xang dalawa mula sa trending movie na KPop Demon Hunters.
Bilang Jinu ng Saja Boys, sinayaw ng It's Showtime host ang Soda Pop.
Habang si Sarina, naging cute version ni Rumi ng HUNTR/X at sinayaw ang kanilang kanta na "How it's Done."
"I love you so much daddy," bati ni Sarina.
"I love you more Sari," sagot ni Jhong.
Nagbigay naman ng madamdaming birthday wishes ang ibang It's Showtime hosts.
"Syempre sa punto ng buhay natin nito, laging health. Una nating nababanggit ang health," ani Vice Ganda. "Kasi kapag maganda ang kalusugan mo, maganda ang kondisyon ng pangangatawan mo, magagawa mo lahat ng gusto mo, lahat ng trip mo, lahat ng plano mo para sa pamilya mo, anak, asawa, fans, sa amin dito sa It's Showtime, magulang mo. Lahat iyang magagandang ginagawa mo, maituloy mo kung maging malusog pangangatawan mo. Kaya iyon ang pinapangalanganin ko. Manatili kang masaya, dahil ibang saya ang idinudulot mo sa akin. Alam mo naman 'yun."
May birthday wish si Ryan Bang para sa kaniyang best man. "I love you so much. Happy birthday. Alam mo naman mahal na mahal kita. You're my role model," aniya.
"'Pag kasama kita I feel safe, love, blessed. I love you kuya Jhong. Happy birthday. More blessings sa'yo at sa inyong family."
Ang wish naman ni Jhong sa kaniyang kaarawan, "Basta maging maayos na ang mga tao, Pilipinas, buong mundo. Mag-wish tayo para doon kasi importante 'yun e. Importante sa panahon ngayon. Peace, peace and love for everyone."
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Balikan ang birthday celebration ni Jhong Hilario sa It's Showtime, dito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA JHONG AT SARINA SA GALLERY SA IBABA