
Ramdam na ramdam na ang Christmas season sa fun noontime program na It's Showtime!
Nitong Miyerkules (December 17), naghandog ng isang magical Christmas experience ang mag-amang sina Jhong at Sarina Hilario.
Sa simula ng kanilang performance, inawit ng dalawa ang nakakaantig na kantang “Christmas In Our Hearts” ni Jose Mari Chan.
Maya-maya, tila dinala naman ang madlang people sa isang Christmas wonderland nang sumayaw sina Jhong at Sarina sa “All I Want for Christmas Is You” ni Mariah Carey.
Bukod sa kanilang duet, maraming fans ang natuwa sa adorable looks ni Sarina. Mula sa all-white outfit hanggang sa maala Santa Claus princess dress, hindi maikakaila ang charm ng cute child star.
Hindi lang fans at netizens ang naaliw, pati na rin ang mga It's Showtime hosts. Very proud din si Jhong sa kanyang anak at masayang-masaya makasama ito muli sa isang makulay na opening number.
Kaya naman may taos-pusong wish si Jhong para sa kanyang little princess ngayong Pasko.
"Ang wish ko kay Sarina na lumaki siyang may takot sa Diyos (at) matulungin kasi sobrang blessed niya," hiling ng ama.
"Hindi pa niya naiintindihan 'yun na sobrang blessed niya. At her age marami na siyang natutulungan, napapasaya, at nagagamot dahil sa videos nakikita n'yo kay Sarina. Wish ko lumaking mabuting bata at mapagbigay na tao kasi kailangan natin ngayon na magbigayan ngayong Pasko."
Bilib din ang mga host sa bubbly personality ni Sarina.
"Kitang-kita kay Sarina na talagang gusto niya nag-e-entertain ng ating mga madlang people," ani Vhong Navarro.
Dagdag pa ni Jhong,"Maganda ron hindi namin siya pinipilit e. Itong prod number namin na ginawa as in talagang sobrang excited siya. Performer talaga siya e."
Samantala, may simple ngunit makahulugang hiling si Sarina ngayong Pasko.
"I want a gift from Santa and make people happy," hiling niya.
Buong-puso rin ang suporta ng pamilya nina Jhong at Sarina. Present sa madlang audience ang lolo, lola, nanay, at tita ng batang influencer.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Tingnan ang adorable photos ni Sarina Hilario sa gallery na ito: