GMA Logo jhong hilario
Source: Jhong Hilario, Lora Jane Mendoza Logarta (Facebook)
What's Hot

Jhong Hilario, nakapagtapos ng kolehiyo bilang magna cum laude

By Jimboy Napoles
Published June 15, 2023 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jhong hilario


Nagtapos si Jhong Hilario ng kursong Political Science at bilang magna cum laude sa edad na 46.

Proud moment para sa aktor at TV host na si Jhong Hilario, o Virgilio Viernes Hilario Jr. sa totoong buhay, ang makapagtapos ng kolehiyo sa edad na 46.

Nitong Miyerkules, June 14, nagmartsa si Jhong bilang Magna Cum Laude kasama ang kaniyang mga kaklase sa kursong Political Science sa Arellano University.

Sa isang report sinabi ni Jhong na alay niya para sa kaniyang magulang ang pagtatapos niya ng pag-aaral sa kabila ng kaniyang edad.

Aniya, “Ito 'yung bayad ko sa utang ko sa mga magulang ko.”

“Lahat ng parents e, gustong makatapos ng pag-aaral ang mga anak nila and lahat ginagawa nila nagtatrabaho sila ng marangal para makapagpaaral ng mga anak and ito na 'yun kahit na late na at the age of forty six at least buhay pa 'yung parents ko,” dagdag pa ni Jhong.

May mensahe naman ang TV host sa mga nais ding makapagtapos ng pag-aaral.

“Sa lahat ng gustong makapagtapos ng pag-aaral kahit late na katulad ko, meron talagang pagkakataon at paraan para gawin ito kahit na busy tayo, time management lang. For me, napakaiksi ng buhay para walang gawin e,” ani Jhong.

Congratulations, Jhong!

SILIPIN NAMAN ANG GRADUATION PHOTOS NG ILANG CELEBRITY SA GALLERY NA ITO: