What's on TV

Ji Sung stars as an amnesiac in 'Innocent Defendant'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 2, 2017 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH aims to boost cruise tourism growth
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Payapa siyang hihimbing, sa bangungot siya gigising. Ang sikat na dramatic actor na si Ji Sung ang gaganap bilang Julius Park  sa 'Innocent Defendant,' ang pinakabagong Korean drama ng 2017 sa nag-iisang Heart of Asia, GMA.

Payapa siyang hihimbing, sa bangungot siya gigising.

Ganito ang sinapit ng prosecutor na si Julius Park. Matutulog siya matapos ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si Hannah. Malambing pa siyang tutulungan ng kanyang asawang si Lisa na magligpit at matulog.

Laking gulat na lang ni Julius nang paggising niya ay nasa kulungan na siya! Apat na buwan na pala ang nakalilipas at nasa death row siya dahil sa pagpatay sa kanyang asawa at anak. 

Paano siya napunta sa sitwasyong ito?

Ang sikat na dramatic actor na si Ji Sung ang gaganap bilang Julius Park. Minsan na niyang pinabilib ang mga Pinoy sa pagganap niya sa isang taong may multiple personality disorder sa GMA Heart of Asia series na Love Me, Heal Me. 

Abangan siya ngayong Hunyo sa Innocent Defendant, ang pinakabagong Korean drama ng 2017 sa nag-iisang Heart of Asia, GMA.