GMA Logo Jia De Guzman in Fast Talk with Boy Abunda
Photo by: Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Jia De Guzman, sinagot ang katanungang, 'Maganda na ba ang kita sa volleyball?'

By Aimee Anoc
Published September 8, 2025 6:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Impeach rumors vs Marcos ‘shapeless,’ says Adiong
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Jia De Guzman in Fast Talk with Boy Abunda


"Nasa panahon kami na lumalaki na 'yung sport, marami ng sumusuporta... May professional teams na po na puwedeng kunin kami as employees." - Jia De Guzman

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes (September 8), ikinuwento ng Alas Pilipinas volleyball team captain na si Jia De Guzman kung maganda na nga ba ang kita ng isang volleyball player.

Ani Jia sa King of Talk na si Boy Abunda, maaari nang mabuhay ngayon na career ang pag-va-volleyball.

"Actually, opo. Nasa panahon kami na lumalaki na 'yung sport, marami ng sumusuporta. Dati po kasi kung gusto naming mag-volleyball after university wala pa pong options--walang professional teams, kailangan mong mag-enlist sa army or sa navy para mag-volleyball pa.

"Ngayon after university, mayroon na po--may professional teams na po na puwedeng kunin kami as employees talaga nung kompanya to represent the brand," pagbabahagi ni Jia.

Nang tanungin kung bakit maraming manlalaro ang pinipiling mag-abroad, sagot ni Jia, "Because, especially, kung gusto n'yong gumaling pa in your sport or in your profession. Gusto n'yo pong ilagay ang sarili n'yo out of your comfort zone, in places na hindi po kayo sanay.

"Kasi for us, athletes, that's where we grow the most kung saan po kami hindi komportable."

Ikinuwento rin ni Jia ang kanyang naging karanasan abroad nang dalawang taong naging manlalaro sa Japan.

"'Yung level po sa volleyball sa Japan, nu'ng two years po na naglaro ako roon, as in feeling ko hindi ako magaling mag-volleyball kasi ganoon na sila ka-advance sa level nila. Tapos pagbalik ko sa Pilipinas lahat din po ng natutunan ko kaya kong ipasa sa next generation or dalhin po sa national team para umangat din po 'yung level ng volleyball sa Pilipinas."

Humanga naman si Boy Abunda na hindi pala lahat ng manlalarong nag-abroad ay tungkol sa pera. Sabi niya, "Hearing this for the first time, gano'n pala 'yon. It's not just about the money. Akala ko it's all about the money, hindi ko alam na nakakagaling din, nakakaganda rin sa atin dahil you're expose to different community of players. Na maiuuwi mo naman ang expertise na 'yon sa mga kasamahan."

Dagdag na tanong ni Boy Abunda, "Does it pay well?" Sagot ni Jia, "I think it pays well po."

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA 'ARTISTAHING' VOLLEYBALL PLAYERS SA GALLERY NA ITO: