
Diretsahang sinagot ni Jiggy Manicad ang ilang mga tanong ni Paolo Contis sa kanyang pag-guest sa Just In.
Nitong July 1, isa sa mga tinanong ni Paolo sa dating news reporter, producer, at newscaster na si Jiggy ang kanyang opinyon tungkol sa pagkalat ng fake news.
Ayon kay Jiggy, "Ang kailangan lang palakasin pa rin 'yung education about fake news."
Pagpapatuloy pa ni Jiggy, may epekto ang fake news sa public opinion kaya maraming nagpapakalat nito.
"Ito 'yung nakakasira talaga, nakakagulo ng public opinion.
"May mga agenda kasi in creating fake news.
"Number one is influencing public opinion.
"Halimbawa, hindi ako masyadong nagbabasa then, lumabas sa feed ko 'yung isang fake news na mukhang kapanipaniwala, so mai-influence 'yung the way ng pagiisip."
Kuwento pa ni Jiggy, mas napararami pa ito dahil sa gantihan ng mga grupo.
"Halimbawa, itong group na ito nasaktan niya itong kabilang group, gantihan na yan.
"Batuhan yan ng fake news para mabawi niya 'yung crowd na nainfluence naman ng naunang grupo. Kaya parami siyang parami."
Ang nakikita umanong solusyon ni Jiggy ay ang paglalaan ng oras cybercrime units sa mga nagkakalat ng fake news.
"Dapat mas paigtingin pa ng cybercrime units natin yung pag atake sa mga ganyang fake news."
Bukod sa kuwento ng fake news, binalikan rin ni Jiggy ang kanyang mga naging coverages bilang isang reporter.
Kanya ring ibinahagi ang diskarteng ginawa para sa isang news coverage.
Nina, nirekomenda ang paglublob sa drum bilang training sa pagiging singer
Pepe Herrera, teacher sa isang international school bago naging komedyante