
May espesyal na partisipasyon ang Star of the New Gen na si Jillian Ward para sa ikatlong yugto ng MAKA LOVESTREAM na "Pretty Little Baby."
Sa "Pretty Little Baby," makikilala si Jillian Ward bilang Ms. Blush, crush ni Robin (Sean Lucas), na tila magiging inspirasyon ni Myka (Chanty) para magpaganda.
Sa isang maikling video sa MAKA LOVESTREAM Facebook page, inimbitahan ni Jillian ang lahat na manood ng MAKA LOVESTREAM's "Pretty Little Baby," simula ngayong Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.
Pagbibidahan nina Chanty at Sean bilang Myka at Robin ang "Pretty Little Baby."
Tampok ang kuwento ni Myka, na lumaki sa isang pamilya na puro magaganda at guwapo. Pero si Mayka, hindi nabiyayaan ng ganda kaya madalas siyang nilalait. Makahanap kaya siya ng "baby" kahit di masyadong pretty?
KILALANIN ANG MGA KARAKTER NA GAGANAP SA MAKA LOVESTREAM'S PRETTY LITTLE BABY SA GALLERY NA ITO: