GMA Logo Jillian Ward and Michael Sager in My Ilonggo Girl
What's on TV

Jillian Ward, alagang-alaga ni Michael Sager?

By Aedrianne Acar
Published January 9, 2025 7:00 PM PHT
Updated January 10, 2025 2:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Michael Sager in My Ilonggo Girl


Masaya si Jillian Ward na si Michael Sager ang kanyang leading man sa 'My Ilonggo Girl': “Tina-try niya talaga 'yung best niya para maging komportable ako.”

Napuno ng kilig ang grand media conference ng My Ilonggo Girl na idinaos sa Luxent Hotel sa Quezon City ngayong Huwebes ng hapon (January 9) ng makatanggap ng bouquet of flowers ang Sparkle actress na si Jillian Ward mula sa Sparkada heartthrob na si Michael Sager.

Habang nasa gitna ng isang interview ng entertainment press, bigla binigyan ng flowers ni Michael Sager si Jillian Ward na magka-loveteam sa bagong romcom series ng GMA Public Affairs.

Gaganap sa dual roles si Jillian sa My Ilonggo Girl bilang sina Tata at Venice, samantala ipo-portray naman ni Michael ang karakter na si Francis.

Sa panayam ng Star of the New Gen sa GMANetwork.com, nagkuwento ito kung paano siya inaalagaan ng kaniyang newest leading man.

Kuwento ni Jillian, “Si Michael super attentive niya, tina-try niya talaga 'yung best niya para maging komportable ako. Sinasabi ko nga sa mga other interviews ko may mga times na mahiyain po ako lalo na po ito romcom talaga, so may mga scenes na kilig na kilig, ganyan.”

Mas nagiging madali raw ang mga eksena nila ni Michael kahit mga pakilig scenes dahil nage-effort ito na mas kilalanin siya.

“Pero si Michael po kasi super attentive po siya, like kunwari meron po akong mga paboritong pagkain, mga paborito kong bagay parang kabisado na po niya lahat, which helps kasi nagiging komportable po ako sa kaniya.

“Talagang kinikilala niya po ako, tapos he really tries to talk to me. Nagme-message po siya, nangugumusta. 'Yung mga ganun, so, nakakahelp po talagang nagre-reach out po siya and kinikilala niya po ako. So, 'pag sa eksena parang, 'Ah okay. Komportable na.'”

Dagdag ng Kapuso actress, “Kilala niya ako, kilala ko rin siya. So, parang mas madali po kumbaga, kahit may mga eksena na may yakapan ganun, parang mas kaya ko na po ganiyan.”

Bukod kina Jillian at Michael, makakasama nila sa unang kilig serye ng Kapuso Network sa 2025 sina Teresa Loyzaga, Arlene Muhlach, Andrea del Rosario at Richard Quan.

Kabilang din sa star-studded cast sina Arra San Agustin, Yasser Marta, Matt Lozano, Empoy Marquez, Geo Mhanna, Vince Maristela, at Lianne Valentin.

Mapapanood ang world premiere ng My Ilonggo Girl sa darating na January 13 sa oras na 9:35 p.m..

RELATED CONTENT: Jillian Ward at Michael Sager, hatid ang 'puso at kilig' sa primetime