What's on TV

Jillian Ward, aminadong kinakabahan ngayong may ka-loveteam na siya sa 'Prima Donnas Season 2'

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 19, 2022 4:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Olivia Rodrigo showcases Filipino roots by cooking lumpia, teases new album
Moon not sighted; Eid'l Fitr set on March 21
Repertory Philippines to hold staged readings of 'Private Lives' and 'Sole Survivor'

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Jillian Ward in Prima Donnas


"Ina-accept ko po 'yung challenge na ito na po 'yung pag-transform ko po from baby to dalaga," saad ng dating child star na si Jillian Ward na isa sa mga bida ngayon ng 'Prima Donnas.'

Aminado ang dating child star na si Jillian Ward na kinakabahan siya sa ikalawang season ng top-rated afternoon drama na Prima Donnas dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may magiging ka-loveteam siya sa isang teleserye.

Makakapareho ni Jillian sa Prima Donnas sina Will Ashley, na gumaganap na Nolan, at Vince Crisostomo na gumaganap naman na Cedric.

"Kinakabahan din po ako kasi first time ko lang din po magka-loveteam sa isang show tapos love triangle pa po," pag-amin ni Jillian sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"Pero talagang ina-accept ko po 'yung challenge na ito na po 'yung pag-transform ko po from baby to dalaga na po talaga," dagdag niya.

Excited na rin naman si Althea Ablan, ang gumaganap na Donna Belle, dahil magkakaroon na rin siya ng kapareha sa program.

Makakatambal dito ni Althea si Bruce Roeland, na gaganap bilang si Hugo.

Aniya, "Dito po akong part na na-e-excite para kay Donna Belle kasi, 'di ba, si Donna Belle boyish type? So, na-e-excite ako kung paano siya magkakagusto sa guy."

Samantala, mas masaya ang pagbabalik ni Sofia Pablo sa Prima Donnas bilang si Donna Lyn dahil kasama na niya si Allen Ansay na gaganap bilang si Fonsie.

Ani Sofia, "'Yung story po kasi ni Fonsie and Donna Lyn, parang ganun naman po kami in real life so masaya lang po talaga kami on the set na nagte-take ni Allen."

Para naman sa direktor ng programa at batikang aktres na si Gina Alajar, dapat abangan ng mga manonood ang mas mature pa na mga karakter nina Jillian, Althea, at Sofia.

"As an ordinary viewer, you will see the maturity in them. Mako-compare mo agad-agad kung ano 'yung itsura nila at ano 'yung ginawa nila noong season one and then pupunta sila ng season two, ibang iba,” saad ni direk Gina. “Pati 'yung itsura nila, 'yung kagandahan nila, lumabas. Ibang iba na rito sa season two."

Mapapanood ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.

Samantala, kilalanin ang iba pang makakasama nina Jillian, Althea, at Sofia sa Prima Donnas dito: