
Napapaligiran ng mga gwapong co-stars si Star of the New Gen Jillian Ward sa action-drama series na Never Say Die.
Madalas niyang kaeksena rito sina Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, at Kim Ji Soo.
"Medyo mas madali na rin po 'yung mga eksena kasi mas gamay na namin 'yung mga characters namin. Mas kumportable na rin po akong kaeksena din talaga sila," lahad ni Jillian sa panayam ng 24 Oras.
Dagdag naman ni David, "'Yun naman 'yung beauty ng teleserye na 'to, naging close talaga kaming lahat. We did an intimate workshop together kasi para [mas mapaganda] 'yung camaraderie and closeness."
Pero aminado si Jillian na hindi ganito kadali ang naging simula ng working relationship niya kina David, Raheel, at Ji Soo.
Sa katunayan, tila out-of-place siya sa tatlong mga lalaki.
"Usapan nila mga panlalaki, mga basketball, ganyan. Wala naman akong alam doon. Ang [ginagawa] ko, 'Tingnan niyo 'yung nails ko, ang ganda.' So, parang sila 'yung nagiging girly girl at sila 'yung mag-a-adjust," kuwento ng aktes.
Samantala, ibinida din sina Jillian at David ang mga dapat abangan sa upcoming episodes ng Never Say Die.
"More than maaksiyon, mas emotionally nakaka-stress 'yung mangyayari sa episode na 'to," paliwanag ni Jillian.
"Paganda na talaga nang paganda 'yung i storya ng Never Say Die. Imagine mo, nandito kami ngayon sa gubat. It means na heavy 'yung gagawin namin," pahayag naman ni David.
Abangan sina Jillian Ward at David Licauco sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.