GMA Logo Jillian Ward 2025 goals
Source: jillian/IG
What's on TV

Jillian Ward, ano ang goals para sa career at love life sa 2025?

By Kristian Eric Javier
Published January 3, 2025 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward 2025 goals


Career or love life? Ano kaya ang uunahin ni Jillian Ward ngayong 2025?

Sa pagpasok ng bagong taon, may ilang goals na gustong makuha si My Ilonggo Girl star Jillian Ward sa larangan ng kaniyang karera, buhay pag-ibig, at sa buhay.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 2, ibinahagi ni Jillian na isa sa mga goals niya ngayong taon sa larangan ng kaniyang karera ay makagawa pa ng roles na makaka-inspire pa ng mga manonood.

Ani Jillian, “Gusto ko po na mas i-push pa 'yung sarili ko po. But also, gusto ko rin po na mas magkaroon pa po ng work-life balance talaga. Mas ma-manage ko po 'yung work-life balance ko.”

Dagdag pa ng aktres, gusto niyang magkaroon ng roles na “mas may lalim pa” ngayong taon.

Aminado rin ang Star of the New Gen na sa larangan ng pag-ibig, gusto pa rin niyang mag-focus sa kaniyang sarili. Ngunit gaya ng sinabi niya umano noon, gusto pa rin niya ng kaunting kilig.

“Kasi natutunan ko po na sobrang aking help po niya para ma-inspire tayo sa life, 'yung meron tayong kilig, ganiyan,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG 2025 NEW YEAR CELEBRATIONS NG ILANG KAPUSO CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa life in general, sinabi ni Jillian na nauuna pa rin para sa kaniya ang maayos na kalusugan. Ngunit pag-amin ng aktres, ngayong taon, mas gusto niyang maging sentro ng buhay niya si God.

Kuwento ni Jillian, noong nakaraang taon ay nagkaroon siya ng maraming pag-aalinlangan hindi lang sa sarili, kundi maging sa Diyos.

“Sabi ko parag mali po 'yun so this year, gusto ko talaga mawala 'yung doubts ko, 'yung fears ko, kasi alam ko na he's protecting me and guiding me,” sabi niya.

Paglilinaw ng aktres, ang pag-aalinlangan niya sa Panginoon ay nanggaling sa burn out na naranasan niya noong nakaraang taon na umabot sa punto na tinatanong na niya kung ano ba talaga ang purpose ng mga ginagawa niya.

“Pero by the end of it po, natutunan ko 'yung kung ano talaga 'yung purpose ng ginagawa ko kasi ang dami po talaga palang na-i-inspire,” sabi niya.

Dagdag ng aktres, “My story po ako, nagte-taping po ako ng My Ilongga Girl tapos I was doubting myself, 'Ano po bang purpose ng ginagawa ko?' May nagbigay po sa akin ng bible verse, sinasabi niya, 'Trust God, He has plans for you.'”

Aniya, isang fan na nasa taping nila noon para sa Abot-Kamay na Pangarap ang nag-abot noon sa kaniya, “From a fan po habang nagte-taping na hindi siya nagpa-picture or anything, parang binigay lang po niya sa'kin."