GMA Logo Kim Ji Soo, Jillian Ward, Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Jillian Ward, ano kaya ang napansin kay Kim Ji Soo?

By EJ Chua
Published August 21, 2024 1:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Ji Soo, Jillian Ward, Abot Kamay Na Pangarap


Inilarawan ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' lead star na si Jillian Ward ang Korean actor na si Kim Ji Soo.

Si Kim Ji Soo ang pinakabagong guest actor sa award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.

Napapanood siya sa serye bilang si Dr. Kim Young, ang oppa doctor na pinag-uusapan ngayon sa APEX Medical Hospital.

Sa kaniyang first appearance, nakatagpo na niya ang pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn, ang karakter ni Jillian Ward.

Sa “Chika Minute” report na ipinalabas nitong August 20 sa 24 Oras, nagbigay ng pahayag si Jillian tungkol sa Korean actor.

Paglalarawan ng Star of the New Gen kay Kim Ji Soo, “Magaling po siyang aktor. Very professional po siya.”

“Para sa aming lahat, nakaka-excite kasi Korean actor siya, tapos pumasok siya sa show namin,” pagpapatuloy niya.

Pahabol pa ni Jillian, funny at mabait din ang aktor, “Kapag kinausap n'yo po siya medyo funny din siya and mabait siya.”

Matatandaang unang nagkatagpo ang mga karakter nina Jillian at Kim Ji Soo nang maabutan ng huli ang batang doktor na kinakausap ang isang umiiyak na bata at ang mommy nito sa loob ng APEX.

Kasunod nito, nagsimula na ang viewers at netizens na i-ship ang dalawa.

Si Dr. Kim Young na ba ang bagong ka-loveteam ni Dra. Analyn sa Abot Kamay Na Pangarap?

RELATED GALLERY: Kilalanin at kilatisin ang mga manliligaw ni Doc Analyn

Abangan ang kasagutan sa serye, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.