
Isang malaking action drama series ang pinaghahandaan nina Kapuso stars Jillian Ward at David Licauco.
Puno ng action, drama, at romance ang kuwento ng upcoming series na Never Say Die.
Gagampanan nina Jillian at David dito ang most challenging roles nila so far sa kanilang career.
"Sobrang nae-excite po ako kasi iba po ito eh. Ibang klaseng project po siya. I hope mag-enjoy tayong lahat. I'm so excited kasi mostly po sa inyo parang mga magulang ko na in the industry. Gawin po nating fun 'yung taping. Thank you po sa GMA for trusting me," pahayag ni Jillian sa story conference ng serye.
"First of all, maraming salamat dahil binigay niyo 'to sa 'kin, pinagkatiwalaan niyo 'ko. Honestly this year, I didn't plan to do any acting jobs dahil I wanted to focus on business but then, napakaganda ng story. I feel like maraming po tayong matututunan. I think na itong teleserye na 'to represents a lot of Filipinos. I just hope na through this teleserye, ma-inspire tayo na magsalita 'yung mga dapat magsalita," lahad naman ni David.
Makakasama nila ang ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Michelle Dee, Analyn Barro, at Raheel Bhyria.
Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
Sina Dominic Zapata at Richard Ibasco Arellano ang magsisilbing mga direktor ng serye.
Mula ito sa panulat ni Glaiza Ramirez, katuwang sina Loi Argel Nova, Emerson Jake Somera, Meryl Bunyi, at Jai Shane Cañete.
Abangan sina Jillian Ward at David Licauco sa upcoming action-drama series na Never Say Die, coming soon on GMA Prime.