
Parehong maituturing na "body goals" sina Never Say Die co-stars Jillian Ward at David Licauco.
Sa katunayan, naging strong ang finish ni David sa unang beses niyang pagsali sa indoor fitness competition na Hyrox.
Natapos niya ang karera na rank 1 sa lahat ng Pinoy na sumali dito. Rank 19 naman siya sa age group na 30 to 34, at rank 53 overall.
Humanga si Jillian sa bagong feat na ito ni David.
"Siyempre nakaka-proud na, wow, taga-Never Say Die, nag-number one. And actually, binibigyan din po niya ako ng mga advice," bahagi ni Jillian.
Kita rin ni David ang efforts ni Jillian para sa kanyang kalusugan.
"Well actually, nakaka-inspire siya kasi 'yung journey niya sa pagiging fit is commendable. Naalala ko, nagwo-workout pa siya after ng isang taping. Lahat kami pagod na pero siya, she would still jog around BGC para mas maging fit," paggunita ng aktor.
Samantala, ibinida din nina Jillian at David ang mga dapat abangan sa upcoming episodes ng Never Say Die.
"More than maaksiyon, mas emotionally nakaka-stress 'yung mangyayari sa episode na 'to," paliwanag ni Jillian.
"Paganda na talaga nang paganda 'yung istorya ng Never Say Die. Imagine mo, nandito kami ngayon sa gubat. It means na heavy 'yung gagawin namin," pahayag naman ni David.
Abangan sina Jillian Ward at David Licauco sa action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
Panoorin din ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.