
Kumasa sa isang nakakaaliw na game sina Never Say Die lead stars Jillian Ward at David Licauco.
Hawak ang dalawang magkaibang bagay, kailangan nilang mag-bluff at hulaan kung nagsisinungaling ba o hindi ang isa't isa.
Ibinahagi ni David ang video ng kanilang laro sa kanyang TikTok account.
Photo credit: davidlicauco (TikTok)
"Mayroon akong sunglasses," pahayag ni Jillian pero hairbrush talaga ang hawak niya.
"Mayroon akong wallet," pahayag naman ni David habang may hawak na staff pass sa concert ni ng kaibigan niyang si Dustin Yu.
"Puwede mo bang kagatin 'yung wallet mo?" request ni Jillian kay David.
Kinabahan naman ang aktor at gumawa ng palusot.
"May plastic nga eh. Paano ko kakagatin? Medyo madumi," aniya.
"Eh 'di mas okay 'yun kasi bago 'di ba? tugon naman ni Jillian.
Panoorin ang kanilang laro dito.
@davidlicauco Hayz @Jillian Ward ♬ original sound - David Licauco
Patuloy na panoorin sina Jillian Ward at David Licauco sa action-drama series Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.