What's on TV

Jillian Ward at David Licauco, magkasamang pinanood ang pilot ng 'Never Say Die'

By Marah Ruiz
Published February 4, 2026 1:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Macario Fojas: Building IT firm Seven Seven and championing Filipino talent
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and David Licauco


Pinanood nina Jillian Ward at David Licauco ang unang episode ng 'Never Say Die' kasama ang ilang miyembro ng produksiyon ng serye.

Magkasamang pinanood nina Star of the New Gen Jillian Ward at Pambansang Ginoo David Licauco ang unang episode ng serye nilang Never Say Die.

Kasama rin nila ang ilang miyembro ng creative team at production team sa likod ng serye.

"Grabe 'yung action, hindi ako makahinga. Ganoon 'yung pakiramdam, intense 'di ba?" reaksiyon ni David sa kanilang pilot episode.

"Super intense, grabe. Kaya kung mapapansin n'yo po, unang episode medyo chubby pa 'ko. Pumayat ako nang bigla kasi, grabe, sobrang intense ng action scenes," dagdag naman ni Jillian.

Never Say Die ratings

Image Source: gmadrama (Instagram)

Humanga daw si David sa mga sumulat ng kuwento ng Never Say Die.

"Grabe 'yung characters na ginawa nila, ng mga writers, especially 'yung kay Joey. Ang ganda ng character ni Joey. Lahat ng characters dito talaga, maganda at pinag-isipan," lahad niya.

Umaasa rin ang aktor na patuloy na aabangan ang mga manonood ang iba pang mga karakter na lalabas sa programa.

"Siyempre marami pang characters na lalabas, sina Richard Yap, si (Kim) Ji Soo, si Raheel (Bhyria), at maraming marami pang iba. 'Yun 'yung kailangan nilang abangan and siyempre 'yung story. 'Yung storyline gumaganda every episode," aniya.

Ayon naman kay Jillian, dapat din daw abangan ang mga pagbabago sa mga karakter nila ni David na ngayon ay tila magkaaway.

"Paano mabibisto 'yung mga bad guys at anong gagawin nina Andrew at Joey para talagang mapaglaban 'yung mga pinaglalaban nila. Kasi magkaiba 'yung opinyon nilang dalawa po eh, so magka-clash sila for sure. Sino bang magwawagi sa kanilang hidden animosity sa isa't isa?" sabi ng aktres.

Abangan ang action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime.

May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.

Samantala, panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kina Jillian Ward at David Licauco para sa 24 Oras sa video sa itaas.