
Sumabak na ang Kapuso stars na sina Jillian Ward at David Licauco sa taping ng kanilang upcoming action-drama series na Never Say Die.
Sa unang mga araw pa lang ng taping, sumalang agad ang dalawa sa mga maaksiyong eksena.
"Palaban ako! Palaban ako for this show. Alam ko na lahat sila mg athletes po sila, talagang mga action star po sila, ilang years na silang nag-a-action," lahad ni Jillian tungkol sa kanyang co-stars.
"Excited ako na matutuo from them. Bagong experience talaga po itong show na ito for me," dagdag ng aktres.
Dahil dito, hindi daw tumitigil si Jillian sa paghahanap ng mga paraan para mas mapaganda pa ang kanyang pagganap para sa show.
"Ako po, first time ko [sa action], pero talagang ibibigay ko po 'yung best ko. I will do everything. Actually po, kahit rest days ko, nagja-jog pa rin ako, talagang nagwo-workout po ako para medyo mas malakas," bahagi niya.
Naging busy naman ang co-star niyang si David nitong mga nakaraang araw.
Ayon sa aktor, nakatulong sa paghahanda niya para sa Never Say Die ang mga bagay na pinagkaabalahan niya tulad ng maikling guesting sa primetime series na Beauty Empire na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
"Sabi ko nga kay Barbie, para lang akong nag-acting workshop with her as my acting coach that day. Siyempre alam naman natin na magaling si Barbie," paggunita niya.
Excited din si David na makatrabaho si Jillian sa unang pagkakataon.
"It's always nice to work with a new actress na makaksama mo sa eksena, para lang ma-test mo rin 'yung pagiging actor mo. I see that Jillian is also passionate in acting," papuri niya sa co-star.
Source: jillian (IG), davidlicauco (IG)
Ang Never Say Die ay isang upcoming primetime action-drama series na pagbibidahan nina Jillian Ward at David Licauco.
Makakasama nila ang ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Michelle Dee, Analyn Barro, at Raheel Bhyria. Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA NEVER SAY DIE DITO:
Samantala, panoorin ang buong panayam ni Nelson Canlas kina Jillian Ward at David Licauco para sa 24 Oras sa video sa itaas. Kung hindi ito makita, maaari n'yo ring panoorin ito dito: