
Nagulat daw sina Star of the New Gen Jillian Ward at Pambansang Ginoo David Licauco sa scale ng produksiyon ng upcoming action-drama series na Never Say Die.
Nag-react ang dalawang bida nang makita nila ang featurette na ipinalabas sa media conference ng serye.
"Hindi ko ine-expect na ganoon kalaki 'yung show. Kasi during the filming ng show, hindi ko po alam kung anong itsura ng mga eksena. Hindi ko lang po inexpect na sobrang ganda talaga niya and ganoon kalaki 'yung project," pahayag ni Jillian.
Sang-ayon naman si David sa sentimiyentong ito.
"Kapag ginagawa mo kasi siya, hindi mo nakikita kung gaano kalaki 'yung ginagawa mo kasi per scene eh. Pero actually, now na first time ko siyang makita, ang laki pala ng teleserye kapag nadikit-dikit na," lahad niya.
Aminado si Jillian na nakaramdam siya ng kaba kung paano tatanggapin ng mga manonood ang kanilang serye.
"Parang ngayon ko po na-feel 'yung pressure kasi during shooting days po, hindi ko po kasi alam kung ano 'yung kakalabasan ng show so shoot lang ng shoot. Confident naman ako kasi sobrang galing po ng mga directors namin and ng lahat po ng mga kasama ko. So excited!" bahagi ni Jillian.
Samantala, looking forward naman si David na maibahagi sa mga Kapuso ang Never Say Die.
"Talagang pinaghirapan namin so we're really happy na finally mare-release na siya. Dapat November pa 'to last year. I'm really happy," aniya.
Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist.
Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulunan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.
Bukod kina David at Jillian, bahagi rin ng serye sina Raheel Bhyria, Kim Ji Soo, Richard Yap, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Ayen Munji-Laurel, Winwyn Marquez, Analyn Barro, at marami pang iba.
SILIPIN ANG MOTORCADE AT MEDIA CONFERENCE NG NEVER SAY DIE RITO:
Abangan ang upcoming action-drama series Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din online sa Kapuso Stream.