
Nagpakilig sina Star of the New Gen Jillian Ward at undefeated boxing champion Eman Bacosa Pacquiao sa ilang maiikling videos sa TikTok.
Isa na diyan ang pagsayaw nila sa kantang "Big Guy" mula sa American rapper and songwriter na si Ice Spice.
Si Eman na nga kaya ang "mystery guy" na kasama ni Jillian sa unang beses na ginawa niya ang "Big Guy" trend na ito?
Matatandaang ipinangako ng aktres na ipapakilala ang lalaki sa tamang panahon.
@jillianwxrd @Eman Bacosa Pacquiao ♬ Big Guy - from "The SpongeBob Movie: Search for SquarePants” - Ice Spice
Magkasama ring sumayaw sina Jillian at Eman sa "Gentleman" mula sa South Korean singer na si Psy.
Naipakita pa ni Eman ang ilang sa kanyang boxing moves sa maikling video.
@jillianwxrd @Eman Bacosa Pacquiao ♬ машуляmm - машуля#mm⚜️
Tumodo ang pagpapakilig ng dalawa sa ikatlong video kung saan ikinukumpara nila ang laki ng kamao ni Eman sa mukha ni Jillian.
Suot pa ni Jillian ang orange team gear ni Eman sa video.
@jillianwxrd @Eman Bacosa Pacquiao ♬ оригинальный звук - dlyasebyamuzz
Fresh si Eman mula sa technical knockout victory niya laban sa Indonesian boxer na si Reynold Kundimang sa bakbakan nila sa Kumong Bol-Anon XXIV noong February 28 sa Tagbilaran City sa Bohol.
Spotted si Jillain ringside habang suot ang team gear nito at katabi ang nanay ni Eman na si Joanna Bacosa habang nanonood ng laban.
Samantala, bumibida si Jillian Ward sa bagong GMA Prime action-drama series na Never Say Die kasama sina Pambansang Ginoo David Licauco, Raheel Bhyria, Kim Ji Soo at marami pang iba.
Panoorin ito mula Monday to Friday, 8:55 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.