GMA Logo Dina Bonnevie, Jillian Ward, and Kazel Kinouchi
What's on TV

Jillian Ward at Kazel Kinouchi, kinabahan ba kay Dina Bonnevie sa 'Abot-Kamay Na Pangarap?'

By EJ Chua
Published March 30, 2023 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie, Jillian Ward, and Kazel Kinouchi


Ano kaya ang kabuuang reaksyon ng 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Jillian Ward at Kazel Kinouchi nang malaman na makakatrabaho nila si Dina Bonnevie? Alamin DITO:

Patuloy na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pangalan ni Dina Bonnevie dahil sa karakter niya sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Si Dina ang isa sa mga bagong karakter na sinusubaybayan ng mga manonood sa serye.

Napapanood siya rito bilang si Madam Giselle Tanyag, ang bagong CEO ng APEX Medical Hospital na kapatid ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap), at only daughter ni Lolo Pepe (Leo Martinez).

Kilala si Dina sa mundo ng show business bilang isa sa veteran actresses na talaga namang hinahangaan ng mga manonood kahit noon pa.

Sa online media conference ng Abot-Kamay Na Pangarap na naganap kahapon, March 29, ibinahagi ng ilan sa cast ng serye ang naging reaksyon nila nang malaman na makakasama nila si Dina.

Unang nagkuwento ang isa sa lead stars ng programa at Sparkle star na si Jillian Ward.

Ayon kay Jillian, "Sa totoo lang po… siyempre may halong kaba po ako and pagka-starstruck po ako kay Miss D [Dina Bonnevie], kasi she's Miss D… Si Miss D, partikular po siya sa work ethic po ng mga artista alam po natin 'yan pero tamang-tama po siya kasi kahit po si Direk [LA Madridejos] 'yun po ang turo niya sa amin, no cellphones po sa set, kailangan on time, bawal po tamarin."

Dagdag pa niya, "Para sa akin po, tamang-tama po 'yung mga sinasabi po ni Miss D. Hindi naman po ako 'yung sobrang natatakot po sa part na 'yun, kasi bilang artista trabaho ko po talaga 'yun so given na po."

Kasunod ng pahayag ng young actress ay nagkuwento na rin si Kazel Kinouchi tungkol kay Dina.

Pagbabahagi niya, “Ako, talaga, natakot talaga ako... Nung nag mememorize ako ng lines, hindi ako pwedeng magkamali. Saka kapag tatawagin na sa set po 'di ba, kailangan mauna tayo kay Miss D, hindi siya pwedeng mag-antay sa atin… So, ayun kailangan galingan… 'Yun po talaga 'yun ang first impression ko pero ang bait po pala, ang bait po pala ni Miss D.”

Sa naturang online event, ipinaliwanag naman ni Dina na hindi naman daw sobrang kontrabida ang kanyang karakter sa serye.

Ayon sa veteran actress, istrikto lang talaga ang kanyang karakter at ang tanging gusto lang daw nito ay siya ang masunod lalo na't sa kanya ipinagkatiwala ang APEX.

Samantala, patuloy na subaybayan ang paganda nang pagandang istorya ng Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

KILALANIN ANG MGA AKTOR NA NAPANOOD BILANG GUESTS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: