GMA Logo Kim Ji Soo and Jillian Ward
What's Hot

Jillian Ward at Kim Ji Soo, mas close na ngayon?

By Marah Ruiz
Published September 15, 2025 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ says Brice Hernandez, Jaypee Mendoza didn't qualify as state witnesses
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Ji Soo and Jillian Ward


Mas close na sina Jillian Ward at Kim Ji Soo sa pangalawang pagkakataon nilang maging co-stars.

Muling magkakatrabaho sina Star of the New Gen Jillian Ward at South Korean actor Kim Ji Soo sa upcoming action-drama series na Never Say Die.

Matatandaang una silang naging nagkatrabaho sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Sa isang maikling video sa TikTok, ibinahagi ni Ji Soo ang pagbabago ng relationship nila ni Jillian bilang co-stars.

"First project with her," sulat niya sa screen habang nakikipagkamay kay Jillian. Pansin din dito na aloof at pormal pa ang pakikitungo niya sa aktres.

Sinundan ito ng "And now..." kung saan makikitang kaya na nilang makipagkulitan sa isa't isa.

"Never Say Die with Jillian Ward," sulat ni Ji Soo sa caption ng kanyang post.

@actor_kimjisoo “Never Say Die” with @Jillian Ward ♬ Illegal - PinkPantheress

Ang Never Say Die ay isang upcoming primetime action-drama series na pagbibidahan nina Jillian Ward at David Licauco.

Makakasama nila ang ang malaki at all-star na cast, kabilang sina Richard Yap, Kim Ji Soo, Analyn Barro, at Raheel Bhyria. Bahagi rin ng cast sina Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA NEVER SAY DIE DITO: