GMA Logo Jillian Ward and Kim Ji Soo
Courtesy: jillianwxrd (TikTok)
Celebrity Life

Jillian Ward at Kim Ji Soo TikTok videos, milyon-milyon na ang views

By EJ Chua
Published October 24, 2024 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Kim Ji Soo


Kinakikiligan ang kulitan moments nina Jillian Ward at Kim Ji Soo sa kanilang TikTok videos.

Humahakot ng million views ang videos nina Jillian Ward at Kim Ji Soo sa TikTok.

Napakaraming netizens ang talaga namang kilig na kilig sa kanilang kulitan moments habang magkasama.

Ang unang TikTok video nina Jillian at Kim Ji Soo ay mayroon na ngayong 2.3 million views.

@jillianwxrd Hi, Doc Kim! @Jisookim ♬ 티라미수 케익 - 위아더나잇

Ilang bagong videos naman nila ay mayroon nang mahigit 4 million views, kung saan mapapansin na sobrang komportable na sila isa't isa.

Mapapanood sa mga ito na game na game ang bagong Sparkle actor na makisayaw sa tinaguriang Star of the New Gen.

Ang kanila namang entry para sa Brother Louie TikTok trend ay humakot na ng mahigit 28.6 million views.

@jillianwxrd @Kim Jisoo ♬ Brother Louie Mix '98 (feat. Eric Singleton) (Radio Edit) - Modern Talking

Mapapanood ang kanilang videos sa TikTok account ni Jillian na sa kasalukuyan ay mayroong 12.3 million followers.

Sina Jillian at Kim Ji Soo ay napanood bilang magka-loveteam sa katatapos lang na award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.

Nakilala sila sa serye bilang mababait na mga doktor ng APEX Medical Hospital na sina Dra. Analyn at Dr. Kim Young.

Related Gallery: 'Abot-Kamay Na Pangarap' stars are not just co-actors, they're also best buddies!